
Sa nalalapit na pagtatapos ng Nichijou, nagkaroon ng pagkakataon na magkita ang dalawang primera alaskadora: sina Hakase at Mai. Isisingit ko pa ba kung ano ang nangyari sa iba pang characters? Huwag na lang. Baka maging nobela na ang blog post na ito!
Tulad ng nangyaring paghaharap sa pagitan nina Nano at Yuuko, hindi rin masyado maganda ang unang pagkikita nina Hakase at Mai. Paano ba naman kasi, iiwanan mo ba naman ang mga alaga mong aso sa hindi ko kakilala, gaya na lamang sa batang propesor? Isa pa, nagawa mo pang suwayin ang ordinansa na bawal pakawalan ang alagang aso sa pampublikong lugar sa Japan?

Nagulat na lamang ako sa totoong kulay ng mga aso ni Mai. Maliban sa namana nila ang pagiging weirdo at alaskador ng kanilang amo, mahilig rin pala sila mangagat ng ilang tao. Ayun. Nagawa pa nilang mag-sample kina Yuuko at Mio!

Akala ko na dito matatapos ang kanilang pagkikita. Ngunit sa ika-23 na episode, biglang pumunta si Mai sa bahay ng mga Shinonome. Teka, siya na ang ikalawang kaklase ni Nano na nakapunta sa kanilang bahay. Ngunit hindi tulad ni Yuuko, hindi gaano welcome ang naturang alaskadora sa mismong bahay. As in, nagtatampo pa rin si Hakase sa kanya mula nang nangyari noong ika-22 na episode.

Sa una, hindi gaano niya gaano kinakausap ang kaklase ni Nano. Ngunit nang dahil lamang sa isang drawing, tuluyan na niyang pinatawad si Mai. Ilang saglit lang, bigla siyang umalis sa bahay ng mga Shinonome. Habang naglalakad, bitbit naman niya ang unang drawing ni Hakase. Tila yata natuwa si Mai hindi lamang sa drawing kundi nagkaroon na rin siya ng kaibigan at kaalyado. As in, lalo yatang malalagay sa panganib ang buhay nina Nano at Yuuko!! Susmaryosep…
Muli, humihingi ako ng tawad sa mga supporting characters gaya nina Makoto Sakurai, na may itinatago palang Ef-Eytch-Em sa ilalim ng kanyang kama, at Nakanojo Tsuyoshi, na tuluyang nakalbo.
Abangan ang huling tatlong (3) linggo ng Nichijou!
SIDE TRACKED:
Anyway, ang mga guest seiyuu narrators sa ika-22 at 23 na episodes ay sina:
- Hidekatsu Shibata bilang Melon Pan. Gumanap siya bilang King Bradley ng Fullmetal Alchemist, Baron Ashura ng Mazinger Z at Hiruzen Sarutobi a.k.a “Ang Ikatlong Hokage” ng Naruto.
- Yui Horie bilang graduation photo ni Teacher Sakurai. Kilala siya bilang Tohru Honda ng Fruits Basket, Ayu Tsukimiya ng Kanon at Naru Narusegawa ng Love Hina.






12 Sep 2011
Posted by chevalier-kun 









