
SAILOR MOON ©1994 Naoko Takeuchi / PNP • Toei Animation. INUYASHA © Rumiko Takahashi / Shogakukan • Yomimuri TV • Sunrise 2000.
Sa nakalipas na taon, makikita natin na hamak na kakaunti lang ang mga anime series na pinapalabas sa ating local channels. Karamihan ay mga luma at paulit ulit na lang kaysa sa mga bagong serye, dagdag pa nito ay ang tuluyan pagkawala ng TV5 Animega sa ere mahigit sa isang taon na. Kalagitnaan ng nakalipas ng taon ay kitang kita ko na pawang walang mga bagong anime ang pinalabas at ang ilan ay inurong na lang ang pagpapalabas. Kaya masasabi natin na humina ang pagpapalabas ng mga anime sa local channels.
Mukhang napansin rin ito ng dalawang local channels sa paghina ng pagpapalabas ng mga anime series sa bansa, kaya bago pa lang magtapos ang 2011 ay naunang inanunsyo ng ABS-CBN ang kanilang 2012 anime line-up para sa Team Animazing. Nangunguna sa mga bagong palabas ang Gashbell, Heroman, Nura: Rise of the Yokai clan, The Slayers, Yu-Gi-Oh 5D at Wolverine. Bagong season naman para sa Naruto Shppuuden at ng Blue Dragon. At ang pagbabalik sa ere ng 90′s anime na Sailormoon.
Nang mga sumunod na linggo ay inilabas na rin ng GMA 7 ang kanilang 2012 Anime line-up parang sa kanilang Astig Authority block. Ang kanilang mga bagong anime na Hayate the Combat Butler (season 2), Scan 2 Go, Kaasan’s Mom’s Life, at Chibi Maruko-Chan. Mga bagong episode ng Detective Conan, Bakugan Guardian Invaders, Dragon Ball Kai, Tamagochi, Pokemon at Doreamon. Ang pagbabalik ng isa ring 90′s anime na si Mojacko. At ang kanilang bagong kapuso na si InuYasha.
Sa kaganapang ito, ay pwede natin masabi na magbabangaan ulit ang dalawang istasyon na ito sa anime, senyales na kaya ito ng pagbangon ng pagpapalabas ng mga bagong anime sa local TV? Bago natin masagot ang katanungan iyan ay iisa-isahin muna natin ang notable na anime series na panlaban ng dalawang local channels.
Kung maikukumpara natin ang line up ng dalawang nagbabanggang local channels, mas marami ang mga bagong anime series ang kinuha ng ABS-CBN na anim na bagong anime titles kumpara sa GMA 7 na apat lang. Hindi kayang daigin ng mga bagong anime series ng GMA 7 ang mga bagong hain na mga anime series ng ABS-CBN. Makikita natin na mas marami ang mga latest at notable na mga anime na ipapalabas ng ABS-CBN tulad ng Nura: Rise of the Yokai Clan, Heroman at ng Wolverine. Ngunit bumabawi naman ang GMA 7 pagdating sa mga bagong episodes tulad ng Detective Conan, Dragon Ball Kai at ng Pokemon.
Sa pagbabalik ng mga 90′s anime na Sailor at Mojacko na namiss natin noong mga bata pa tayo ay isang paalala kung gaano kasikat ng anime noong mga 90′s. Senyales na ba ito na bubuhayin ulit ng dalawang local stations na ito ang kasiglahan ng mga anime sa Pilipinas?
Hindi dahil nagpasabog agad sila ng mga kanilang anime line up para sa 2012 ay magiging patok na ito agad para hikayatin ang kanilang anime viewers, kailangan rin nilang dinggin ang mga hiling ng mga ito. Isa na dito ang timeslot, ang kanilang anime block ngayon ang nakapwesto sa umaga ngunit karamihan sa mga anime viewers nila ay nasa eskuwelahan pa upang mag-aral. Di tulad noon na sa afternoon slot ay marami silang mahahakot ng anime viewers,o kaya tulad ng ginawa ng TV5 kung saan na lakas loob nilang ilnilagay ang kanilang anime block sa primetime na siyang nakakadagdag puntos sa TV5 Animega upang makilala ito.
Unang hain pa lang yan ng kanilang maagang anime line-up para sa 2012, makaka-asa pa kaya tayo ng bagong anime na ipapalabas pagdating ng All-Saints Day? O kaya pagdating ng pasukan? Malalaman na lang natin ang kanilang plano pagdating ng panahon oras.






16 Jan 2012
Posted by MagnumZT










